Ang Kwentista sa Tabi ng Riles











{July 1, 2012}   ADIKTUZ SA FACEBOOK

Image

(matagal akong hindi nakatambay mga kakosa, sensia na dami kasing parak kaya laylo muna hihihih, eto muna ang alay ko sa aking pagbabalik, tara tagay na! ano pulutan natin dyan??)

ADIKTUZ sa fb
WRITTEN BY: iskwatera a.k.a. Cheese Mosa

magandang-magandang araw, Sa mga nagtitinda ng siopao
May lamang pusang ligaw, Gawa ng aleng mukhang palitaw
At sa mga inlab ngayong araw, Kaya taghiyawat ay umaapaw
Mantika sa mukha’y masabaw, Tyak mantika’y tulog sa aircon sa ginaw

Mga kberks sa chatroom na Adik, Mala-kwagong matang kahindik-hindik
at matindacious ang paltik, na sa kalokohan ay hitik na hitik
sa gabi’y parang tiktik, kaya hanggang sa gabi ay naghahasik
sa fanpage mata’y laging tirik, sa ligayang hatid bisyong walastik

dugo’y buhay na buhay,at sabay sabay na kumakampay
kahit eyebag na ay lumalaylay, di paawat sa pagpapasaway
Ngalay na panga’y walang humpay, sa saya tiyak napapahandusay
Sa harutan sa mga mukhang bangkay, na parang kagagaling lang sa hukay

Ang paborito namin ay magpindot-pindot at magdutdot ng magdutdot
Walang pagod kahit boss ay sutsot ng sutsot, di paaawat kahit bagong hilot
Tiyak laging pasma ang inaabot,Basta’t ang server ng facebook wag lang buburaot
Ayaw paistorbo sa mga salot, pagkat bagong libangan bukod sa mangulangot

Paalala sa lahat, wag muna mag fb hangga’t di naaalis ang sumpa
Sumpa na nasa mata, na di pa natatanggal, ang dyamanteng muta
Siguraduhing ikaw ay nakamumog, upang di mabubugbog
Ng mga barakong tiyan ay sumasabog at kumakain ng bubog

ang pagbabalik ni Cheese Mosa!! maraming ihahandog muli sa inyo kaya tara, makisinghot na!!



{November 28, 2007}   SUMPA SA TEXT!!!!!!!!!

Text Message…

Nitong week lang yung friend ko na guy nag text sa akin… Dito ako sa office nung matanggap ko ang walang kakwenta kwentang chain text na yan.. eto ang nakalagay…

“SUMPA” HINDI na daw makakatikim ng napakasarap na SEX ang huling makakabasa nito!
Ayos!! Safe na ako… bahala ka na jan.. ikaw na ang huli..ouija..hehehe!!

Diba, wlang kakwenta kwenta..hahaha! di naman ako nagpapaniwala sa mga chain chain text na yan, isang malaking kalokohan..haha.. pero di naman siguro masama kung iforward ko din diba.. kasi baka malay mo may sumpa nga..edi kawawa naman ako, di na ko makakatikim ng napakasarap na sex, ayoko nga ng ganun…nag isip ako kung kanino ko ifoforward.. uhmm kaso mga naisip ko, mga bigo, walang bf at gf, at mga nagkakaedad na, eh wala pa ding karelasyon.. kwawa naman kung yon ang padadalhan ko, baka lalo ko pa sila pinadepress..Baka ako pa sisihin nila kung di na sila makakatikim pa ng sex..

Buti na lang pagdating sa mga ganitong kalokohan eh, nag gigising ang mga paralisado kong mga braincells, nakaisip ako ng paraan..

Ginawa ng lola nio finorward ko ang text na yan don sa friend ko na nagpadala nito sa akin, haha.. para sia uli ang huli..haha

Iskwatera : oh pano ikaw uli ang huli, hahaha!
Guy friend ko : kainis ka, ang daya daya mo….

Pagkalipas ng ilang minuto aba ang mokong ibinalik uli.. at sinabi ba naman, ako daw uli ang huli… uhmm kung ibabalik ko uli ito edi kikita ang smart at globe sa aming dalawa, buti kung pareho kaming smart para makatipid kami sa alltext, kaso hindi eh, magkaibang network kami.. kelangan uling gisingin ko ang mga braincells ko para makaganti sa mokong na yon…

Siempre ang lola nio, wala pang isang minuto nakaisip na ng paraan, ako pa!

At eto ang text ko uli sa kanya….

“SUMPA” HINDI na daw makakatikim ng napakasarap na SEX ang huling makakabasa nito!
Bawal ibalik sa nagtext, mapuputulan ka ng etits
Ayos!! Safe na ako… bahala ka na jan.. ikaw na uli ang huli..hehe!

Oh diba… ewan ko lang kung ibabalik nia pa yan.., pero tingin ko gagawa at gagawa ng paraan ang mokong wag lang sia maputulan ng etits, hayun, hanggang ngayon di pa din sia nakakaisip ng paraan makaganti sa akin, wala na kong natanggap pang text mula sa kanya, ibinaling na lng nia sa iba, …kasi ako ba naman ang naisipang kalabanin..tsk.. tsk…

Teka may mensahe pala ako para sa inyo….“SUMPA” HINDI na daw makakatikim ng napakasarap na SEX ang huling makakabasa nito!
Bawal i-copy paste…..hehehe! tutubuan ng etits sa noo…
Ayos!! Safe na ako… bahala ka na jan.. ikaw na ang huli..hehe!



{November 26, 2007}   “TANONG NG PUSO KO”

tamang senti muna ako…gawa ko, sa unang lalakeng minahal ko ng lubos… T_T until now I hate this man..huhuhu.. di ko pa din sia mapatawad 

“TANONG NG PUSO KO”

Pag-ibig mo sa aki’y di ko mahulaan
Lugar ko sa puso mo’y di ko malaman
Ngunit isip ko’y naguguluhan
Pag-ibig ko’y lumalim at bakit mo hinayaan

Sayo ba’y sino talaga ako?
At ano naman sya sayo?
Kung mahal mo akong totoo
Lahat ng ‘toy masasagot mo

Natutuwa ako dahil ako ang pinili mo sa amin
Ngunit marahil sa kanya ay binawi mo na rin
Kaya’t sya’y bumalik dahil ’lam nyang sya’y mamahalin
At ako ay iyo lamang paaasahin

Sana’y walang halong kasinungalingan
Lahat ng salitang iyong binibitawan
Naging sinungaling man ako minsan
Ngunit ito’y dahil ako’y iyong tinuruan

Masakit sa aki’y kayo’y nagkikita
Masakit malamang di mo pa kayang mawala siya
Masakit tanggapin wala ka pang ginagawa
Ito’y marahil hindi mo pa kaya

Bakit hinayaan mong muling masaktan
Ang puso kong humilom na’t muli mong sinugatan
Bakit ang puso ko sayo’y di mo iningatan
Inalay pa man din at iyo lamang pinabayaan

Hiling ko… ako’y iyong iwan
Kung sya naman ang iyong pinangakuan
Hiling ko… ako’y iyong pabayaan
Kung ako’y iyo lamang sasaktan

Ayokong pag-ibig ko sayo’y iyong sayangin
Kung hindi mo rin lang ako mamahalin
Ayokong sarili ko sayo’y pilitin
Kung sya naman talaga ang iyong pipiliin

Kelan ko maririnig na sa kanila’y iyong sinasabi
Na ako’y minamahal mo at di mo tinatanggi
Di lamang sa akin kundi mga nasa paligid pati
Sana maranasan kong minsa’y ako’y pinagmalaki

Pero ito lang ang masasabi ko
Bukas pa rin ang pinto ng aking puso
Ngunit di naghihintay sayo sa pinto
Baka lang kasi sa pag-ibig mo’y ako’y mabigo

Sana sa pagbalik mo
Tunay na pag-ibig ang alay mo
Walang pagdududa at pagkalito
Walang sinuman nasa loob ng iyong puso

Kelan mo ipapahinga ang puso ko
Kelan mo pangingitiin ito
Kelan hihimbing ang tulog ko
Kelan masasagot ang mga TANONG NG PUSO KO



{November 26, 2007}   GITARA

Mga nagkawatak watak na barkada… alay ko sa mga barkada ko na wala na ngayon… gawa ko nung college ako T_T 

 

GITARA

Bawat tipa’y awit sa aking tenga
binabalik ang magandang ala-ala
at bawat tunog nito’y mahalaga
Na minsang sa puso’y nagpaligaya

Mga ngiti’y inyong mamasdan
Halakhak ng gitara’y mapapakinggan
Na ang lahat ay sinasang-ayunan
Sa musikang di niya pinagdadamutan

Di inaasahang kwerdas ay mapigtas
Waring lungkot na ang naipamalas
Pati larawa’y di na maibakas
Kaya’t musika’y madaling nagwakas

Gitara’y ano na ang magiging silbi
Kung musika’y di na maipamahagi
Dahil parehong puso’y nagtitimpi
Halaga ng gitara’y nalimot pati

Paano…. maibabalik ang saya
Kung walang alaala ng musika
Kailan… mapapakinggan ang kanta
Kung kuwerdas ng gitara’y napigtas na



{November 26, 2007}   NALILIGAW

Naliligaw…

Saan kaya ako tutungo, kahit ilang beses ko na syang nadaanan, at kahit kabisado ko na ang lugar,

Bakit naliligaw pa din ako?

Bakit hindi ko pa din alam kung saan ako dapat tumungo?

Bakit di ko pa din alam ang gagawin ko?

Kung ano ang landas na dapat kong tahakin?

Ang dami ng taong aking napagtanungan, kung anong landas ang dapat kong daanan bakit parang di pa din ako satisfied sa mga sagot nila.. Naliligaw na nga ako, bakit sumabay pa ang damdamin ko, kagagawan ng taong mahal ko, kung bakit ngayon naguguluhan ako..

kapag nainlove ka nga naman….

hindi mo na alam kung saan ang daan patungo upang makarecover ka sa sakit na kagagawan niya…

hindi mo na alam ang daan kung paano ka makakabalik sa kanya…

hindi mo na rin alam kung dapat ka bang sumunod sa sign na kelangan mong mag – stop, hintayin kung kelan ulit mag-go…

Ang hirap pala pag naliligaw ka, may halong takot, kaba, at lungkot na baka hindi ka na makabalik sa daan patungo sa kanya o makabalik sa dating ikaw nung wala sia..

Sana alam ko…

Sana makasalubong ko sya…

Sana sunduin niya ako pabalik sa kanya…

Kung tuluyan na akong naligaw, sino naman kaya ang taong magmamalasakit upang sabayan ako sa paglalakad patungo sa daan ng pagkalimot para naman makamove-on.. sana hindi mahaba ang daan, sana may short cut para hindi ako masyadong mainip, at wala sanang traffic na magpapaabala sa akin.. Kung sakali mang mahaba ang daan, magiging close kaya kami ng lalakeng makakasabay ko upang idaan ako sa landas ng pagkalimot… Magiging masaya kaya ako sa paglalakad namin? At habang dumadaan kaya kami sa landas na yun, unti unti ko na kaya makakalimutan ang lalakeng nanakit sa damdamin ko? Sasamahan pa kaya niya ako kung sa daan na makipot at madilim ako napadaan hanggang makita namin ang dulo at maliwanag na daan..?

Ngunit ang tanong? Sasabay kaya ako? Papayag kaya akong ihatid niya? O magsosolo akong maglalakad..

Pero hanggang ngayon, di ko pa din alam ang landas na dadaanan ko…

Kung doon ba sa road sign na nakasulat na move-on?

doon sa sign na back to him?

o doon sa sign na wait?

Hindi ko alam, naguguluhan ako..

Ang hirap magdesisyon, ngayon ko nararamdaman ang kaba, takot at lungkot…na baka wala sia sa dulo ng daang tatahakin ko..



{November 25, 2007}   5 most embarrasing moment

Well Well well.. ang lola nio bumabalik uli para umaribaaaaaa… actually ang ikukuwento ko ngayon ang aking mga embarrassing moments, bigla ko lng naisip na un ang itopic ngaun because of my experienced this week lng, ok simulan na ang chokaran natin mga veklah…

5 MOST EMBARRASSING MOMENTS KO…

5.. Nung college ako ilang days pa lng kakastart ang klase namin, siempre paimpress ang lola nio, nagtaas ako ng kamay para sagutin ang equations na nasa blackboard, pasikat kuno dahil may cute na guy na nakita ang lola nio.. and then, pagkatapos ko sagutin ang nasa blackboard, tinawag na rin ang cute guy para sia nmn ang sumagot, so nagkasalubungan kami hanggang sa may sinesenyas ang cute guy sa kanyang lips, akala ko kung ano na, akala ko nag aask sia ng kiss. Todo kilig ang lola nio, kaso biglang nawala ang ngiti ko nung sinabi nia, Miss may chalk ka malapit sa lips mo.. parang binagsakan ako ng isang sakong chalks..

4. Naalala ko nung bata pa ako, mga 12years old ata ako nun, mag isa lang ako sa bahay non, biglang nakita ko sa panty ko may dugo, naisip ko na baka may sugat ako sa monay ko..haha… todo taranta ang lola nio, hanap ng band aid, di ako makahanap ng band aid, sige pa rin ang tulo ng dugo sa panty ko, ayaw ko nmn pumunta sa tindahan para bumili ng band aid, nakakita ako ng napkin sa CR, don ko naisip na, ahh baka ito na yung sinasabi nila na regla.. haha, ayun ginamit ko na sia, edi ang saya saya ko non, dahil meron na ko, at nakanapkin na ko, kaso pagkalipas ng maraming buwan, di ko na gusto magkaron pa ng regla..hehe…buti di ako nagpabuntis non para lang di magkaregla..haha..

3. Dahil malantud na ang lola nio bata pa lang, grade 6 ata ako nun, may crush na akong teacher, yung teacher namin sa math, sobrang type ko, siempre dumating ang valentines, edi nag isip ang lola nio kung anong gift ko sa crush kong teacher na napakagwapo kahit na may asawa na..haha.. bumili ako ng flowers and chocolates..haha, at iniwan ko sa desk nia.. then dumating ang teacher ko, natawa sia, kasi daw parang pakiramdam nia babae sia na nililigawan with matching flowers and chocolates, ayun, nagselows ako dahil ibinigay din nia sa asawa nia..hmpf!

2. Sobrang pagod ko from work.. hindi na kinaya ng lola nio ang kapaguran dulot ng maraming work sa office tulad ng friendster, blogs, yahoo emails, multiply, yahoo messenger at kung anu ano pang pinagkakaabalahan ko na ikayayaman ng kumpanya..hehe.. pauwi ako nun, nasa jeep ako ng biglang may pumara dahil bababa na ang pasahero at bigla niang hinablot ang bag ko, nawindang ang lola nio, nashocked ako bigla, yung pagod ko biglang nawala..bumaba din ako para habulin yung magnanakaw na yun, kaso nung mga oras na yun, naka 4inches yung heels ko,kaya ang sexy ko tumakbo, parang Chinese na ang liliit ng hakbang, kaya ginawa ng lola nio, hinubad ang sandals at binibtbit, at bigla akong nagtransform at naging lalake, at nagsusumigaw ng magnanakaw magnanakaw, buti nlng naawa sa akin ang mga kalalakihan, kahit nakayapak ako, marami pa rin akong nabighani para tulungan ako,haha.. ayun nabawi ko naman awa ng Dyos kaso di sia nahuli, hinagis nlng nia, takot lang nia dumugin sia..hehe

Ang huli pero ang gusto ko ng makalimutan..haha

1. papasok ako sa office, umagang umaga, at fresh na fresh pa ang lola nio, feel na feel ko ang aking bagong suot na slacks na binili ko sa baclaran pang dagdag ko sa mga damit ko pang office.. pagbaba ko sa van biglang may nagcraccckkk , tipong tunog na parang may napunit, well, ano pa nga ba agn aasahan mo sa quality na mabibili mo sa baclaran…. Yesss.. napunit ang aking slacks at ang masaklap pa don.. T-Back ang suot ng lola nio..haha.. at walang lingon lingon sa driver ng van na marahil nakita nia na ang dalawang pisngi ng aking wetpu..haha.. tinakpan ko nlng ang aking face para di nia ko makilala…hehe.. Joke, Nag hello world talaga ang aking wetpu, buti nlng malamig ang office namin, matindi kung magpa aircon, tipong hindi pwedeng wala kang dalang blazer, kaya tuloy may pangtakip na ako sa aking wetpu.. pero dahil sa bagong bago pa lang ako sa Ayala, ayun di ko alam kung san pwede bumili ng sinulid at karayom.. at wala naman ako mahagilap sa ministop at 711, at lumaki pa ng husto ang sira ng aking slacks, umuwi ako na butas ang slacks ko buti nlng may takip kahit papaano, kaso ramdam ko yung lamig kasi pumapasok ang hangin sa wetpu ko, feeling ko wala akong suot.. hayz, naka T-Back pa nmn ako.. nagdadasal ako na wag liparin ang aking blazer, at hinigpitan ko mabuti ang pagkakatali, baka biglang malaglag..anu bahh! kainiz nakakasira ng poise.. pag uwi ko sa amin, pinatahi ko sa tita ko kasi may makina sia, at ang ginamit niang sinulid ay yung pang pantaloon na, at dinoble doble nia ang tahi, siguradong di na sia masisira pa, tipong kahit langgam di makakapasok sa slacks ko..hehe.. inisip ko paano kung wala akong dalang blazer non, ano nlng kaya ang gagawin ko..hehe..paano ko tatakpan ang wetpu ko..sa tindi ng sira nia..hayz mabait pa din si Lord sa akin..hehe..



{November 20, 2007}   Ang kakaadik na buhay

Pers Taym ko makihalubilo sa mga kapitbahay namin, pano kasi taong bahay lang ako.. pero dito nagsimula ang pagiging chizmoza ng lola nio..

Napansin ko na si Chongge eh nagsasalita mag isa habang nakahiga sa mahabang upuan, wala nmn siang kausap, sa hinaba haba ng pakikipagchokaran ko kay Ate Muneng, hindi pa din sia tapos sa pagsasalita, dahil ako’y ipinanganak na Chismosa parang naiintriga ako kung ano ang pinagsasabi nia, nilapitan ko nga…

Chongge: Pareng chongge di pa ba tayo uuwi?
Chongge: Uuwi na rin tayo, magpatuyo ka muna, umihi ka na kaya…
Chongge: Paliguan mo ko ah.. kasi lashing na ko di ko na kaya pare..
Chongge : Taena lashing na rin ako pare eh..

Iskwatera : Taena, sarili mo pala kinakausap mo..

Si Chongge kasi ay may saltik na tlga sa utak, kaka Chongke (Marijuana)

Iskwatera : Chongge, bakit ka kasi nag chochongke ayan tuloy may saltik ka na..

Chongge: Taena masarap ang feeling..

Iskwatera: Pano mo nasabi yon, ano ba kinasarap don ah..

Chongge: Lahat ng pangarap mo natutupad dahil sa marijuana’t shabu

Iskwatera: Pano nangyari yon..

Chongge: nangangarap kasi ko noon na magkaron ng magarang sasakyan, taposh nung nagbabato ako taena, sarap ng pakiramdam, may sasakyan nga ako, nagmamaneho ako kung saan saang lugar na di ko pa napupuntahan, mamaya nga pala kelangan ko umuwi, baka maiwan ako sa flight ko, sa states pa kasi ko umuuwi eh, uwian ako pare.. ano Chongge yung bagahe ba natin eh nakahanda na..(kinausap ang sarili) oo, pare handang handa na.. (sagot nia sa sarili nia)

Iskwatera: Maya ka na uwi Chongge, gusto ko pa makipagkwentuhan sayo eh

Chongge: iba na tlga ang sikat chongge, haha, mamaya papa autograph na yan sa akin si Iskwatera..

Iskwatera: gusto ko pa kasi malaman kung anu ano pang pangarap mo na natupad jan sa marijuana na yan at pag babato mo

Chongge: nagkaron ako ng mansion, at may laptop pa ko bukod sa kompyutewr

Iskwatera: Asan na yung laptop

Chongge: Ayun binababad ko muna, kasi madumi na eh, lagi kasi ginagamit nitong si Chongge, (Parang tinuro ang ka tabi nia na wala naman tao) taposh yung Kompyutewr lagi ko ginagamit kasi may paborito kong laruin don eh, yung pokemon..haha.. hik!hik! kaso nagblack and white bigla si pokemon, siguro naubusan ng ink yung kompyutewr ko..mahal pa nmn ng ink.. tsk.. tsk…

Iskwatera: Hayz nakakasira nga ng ulo itong pakikipagusap ko sa mga may saltik.. (nasambit ko sa isipan ko)
Uhmm.. chongge ilan ba kayong magkakapatid?

Chongge: Pito, at ako ang bunso, papalaglag na nga daw sana ko ng nanay ko eh.. kaso makapit daw ako, shempre si Chongge pa, magaling ata to..!

Iskwatera: ah kaya pala nasunog na yang balat mo dahil sa gamut pati utak mo nalusaw..haha..Joke lang chongge.. Uwi ka na nga, basang basa ka na sa ihi mo, naaamoy ko na, ang panghe mo…

Si Chongge ang kapitbahay namin na lulong sa masamang bisyo, pero harmless naman sia eh kasi di nmn sia nananakit, lagi lang nia kinakausap ang sarili nia.. pag tinatanong ko sia kung ilang taon na sia, laging sagot eh katorse anyos pa lang daw sia kaso ubanin na sia noh, parang 41 na sia sa edad nia.. at walang sinabi ang lalim ng dimple ni aga muhlach sa dimple nia, tipong kahit di sia ngumiti may instant dimple sia, sa madaling salita effortless, sa sobrang lubog na ng pisngi nia, di na nia kelangang pumunta kay Vicky belo para magpalagay ng dimple..hehe



{November 20, 2007}   Dyaryo

repost ko lang.. gawa ng kaibigan kong si batang palaboy sa kabilang forum

DYARYO
BY: BATANG_PALABOY

“kuya ibili mo nga ako ng dyaryo…”

hanep na bata to at feeling close! Siya si boy hapon. hindi talaga kame close dahil sa totoo lng magkaaway kame. Nahuli ko siya minsan dinadaya pamangkin ko sa larong text..batukan ko nga! sa inis ko ako na ang lumaban sa kanya…ubos isang supot niya ng text.

balik tau sa kwento….

Nagrekwes si boy hapon na ibili ko siya ng dyaryo at pumayag nmn ako… isa akong mabait na kaaway sa totoo lng.

Isang TIKTIK, SAGAD, REMATE, at BOMBA. kaboOOom!!!

taytol pa lng alam ko na kung anong klaseng dyaryo pinapabili ng mokong na to. Sabhn ko sana HINDI pero me WORD of HONOR ako. me word of wisdom , word of the day, at word factory dn ako, kung gusto niyo lang malaman.

Naalala ko tuloy nung hayskul ako. pagkagaling ko sa eskwela stop over muna ako sa recto para bumili ng dyaryo. BULGAR, REMATE, at ABANTE, panahon ni totoy mola, nena, at xerex xaviera. Mga bagong bayani sa buhay nagbibinata.

Pagkabayad sa dyaryo tutupiin ko ito ng apat na beses saka isisiksik sa loob ng pantalon. hindi pwede sa loob ng bag at baka makalikot ni mamita. Pagdating sa bahay ilalapag ang bag sa sofa at dederatso sa kwarto para kunwari magpahinga. Ayos na!

maganda ang istorya kala mo telenovela. Nakakaadik. Maho-HOOK ka talaga. Astig Maaring hindi sila kasing galing ni Jang Geun sa pagluluto sa kusina….pero sa luto sa kwarto tingin ko mas mahusay sila ….

Kumapal at dumami ang koleksyon ko ng dyaryo. Ipapakilo ko sana sa riles kaso baka makita ako ni mamita. Buti na lng batang bonakid ako. Ginupit gupit ko ang mga dyaryo at presto! Me laruan na ako. Bangkang papel ni nena, Eroplano ni Xaviera, at Sarangola ni MOLA.

Lumipas ang panahon at nagsawa na rn ako sa kanila, kumbaga sa telenovela pinapaikot ikot na ako para lng tumagala ng istorya. Si nena uugod ugod na umaariba pa, si totoy mola ga Palito na humahatawa pa, at si Xerex Xaviera nirerecycle na lng ang istorya. Ayoko na!

Sa isang iglap pakiramdam ko nag mature ako. Hanep! hindi na ako tinatablan ng alindog ni nena. Palibhasa meron na ako bago pingakakaabalahan….mga magasin sa quiapo at escolta nmn.

Noong panahong yoon masasabi ko garapal ang mga istorya at talamak ang mga bida. Me bata pa nga na napabalita na nang rape dahil lng sa kakabasa…..sad….!

sa kasamaang palad pagkagaling sa eskwela………sa underpass sa intramuros patungong Manila city hall……habang kasalukuyan akong bumibili ng poster ng DRAGONBALL Z……..me lumapit sakin na babae……maputi at seksi….. me hawak na mic….me tatak ng ABS CBN…. lenshak!

lights! camera! aksyon!

reporter: Bumibili ka ba ng mga ganyang uri ng babasahin?
palaboy: No im not, i only read broadsheet.
reporter: What can you say about the people who read that kind of reading material?
palaboy: Well…i guess… guys, if u know what’s good for you and your children…. stop reading those kind of…errrr…piece of junk.

Umugong ang araneta coliseum…nakita ko si totoy mola sabi sakin “tol plastik ka” sabay talikod…si nena umiiyak sa gilid ng kama…at ang mga karakter sa istorya ni Xerex Xaviera nagtaasan lahat ng kilay.

Im sorry guys…nasa mundo tau ng showbiz…i hope you understand…

Simula nun hindi na ako bumuli ng dyaryo… Napasali ako sa journalism at araw araw ako ang taga kuha ng dyaryo sa manila bulletin. Ibat ibang dyaryo—lahat puro English. ibang iba sa mga binabasa ko dati… sa lahat nga artikulo isa lng nagustuhan ko….Young blood..chochalin!

si batang_palaboy ay edad 23 at kasalukuyang nagtatrabaho sa lungsod ng Makati. Masaya siya sa buhay niya ngaun kahit na wala na ang mga idolo niya noon….

P.S

Hindi pala advisable magbasa ng mga nakakapg init na babasahin habang nasa banyo..nakatungtong o nakaupo man sa trono. baket? Mahirap umihi.

Magandang araw sa inyo!



{November 20, 2007}   Noong Bata Pa Ako

Noong Bata Pa ako
(gawa ko nung nagkaisip na ang lola nio)

Lahat tayo ay may kanya-kanyang alaala noong bata pa tayo.. Kung babalikan natin ang alaalang yon, napapangiti tayo.. Katulad ko habang papasok ako sa office kaninang umaga, sa harapan ko sa loob ng jeep, napansin ko ang bata na halos mga edad anim na taong gulang, Naalala ko tuloy ang mga kainosentehan ko noong bata ako, at yon ang nais kong ibahagi sa inyo ngayong araw na to…

Noong bata pa ako, naaalala ko ang eksena noong nasa jeep kami ng mama ko na hinding hindi ko malilimutan kapag sumasakay ako ng jeep hanggang ngayon…

“Bayad! Dalawa!… Binayad ko na yung bata“ ang sabi ng mama ko..

”Ah binayad nio na  ba? Sige, urong nalang ng konti dito, para makaupo ang iba”ang sabi ng driver

Habang ako, ay nagtataka kung bakit sinabi ng mama ko na binayad nia daw ako, at lalong nadagdagan ang aking pag-aalala ng sinabi ng mama ko na…

”Anak, wala na kasi tayong pera, kaya ibinenta na kita sa driver, ibinayad na kita! Iiwan kita sa kanya ah, ako lang ang bababa at ikaw dito ka lang..magpapakabait ka ah..” ang sabi ng mama ko

Halos ayaw kong bumitiw sa pagkakahawak sa kanya, dahil sa pag-aalalang iiwan nga niya ako at nang nagpara si mama todo kapit ako sa kamay niya, dahil ayaw kong magpaiwan sa driver at sobrang takot na takot akong mapahiwalay sa aking mama..

Noong bata pa ako napapanood ko na ang Darna noon, pero luma na rin ata yon, basta naaalala ko na napanood ko ang babaeng ahas, yung maraming ahas sa ulo, sa sobrang nadala ako sa istorya, napatingin ako sa aking buhok, hinawakan ko sya at tinitigan ng husto kung gagalaw ang aking buhok na parang ahas, at dahil syempre sa hangin, gumalaw tuloy ang aking buhok..Halos naglumpasay ako sa kakaiyak sa takot na magkakaroon din ako ng ahas sa ulo, at ang lahat ng miyembro ng pamilya namin ay nagulantang sa aking pag-iyak kaya’t dali dali nila akong nilapitan..at biglang tumawa ng malaman nila ang aking rason kung bakit ako umiyak…

Noong bata pa ako nakalunok ako ng buto ng santol, at umiyak ako ng umiyak at sinabi ko yon sa mama ko, at ang sagot niya sa akin ang syang nagpakaba ng husto at yon ang hindi ko malilimutan kaya’t napapangiti ako sa tuwing maalala ko ang eksenang yon…

”Hala, bakit mo nilunok ang buto ng santol! Naku, lagot ka, tutubo yan sa tiyan mo, lalabas sa tenga mo at bibig mo ang mga sanga sanga ng punong santol na yan kapag tumagal sa tiyan mo..” Ang sagot ng mama ko…

Yon ang nagpakaba lalo sa akin, ang mga sagot ng mama ko, kaya’t takot na takot akong makalunok ng kahit anong buto ng prutas, at natatakot akong uminom ng tubig noon, dahil sa pag-aakalang madidiligan ko ang buto na nasa loob ng tiyan ko…

Noong bata pa ako para sa akin.. eto na ang pinakamalaking problemang nadanasan ko noong bata pa ako..Sa tuwing natatatanggal ang kamay ng Barbie doll ko, pakiramdam ko sinakluban na ako ng langit at lupa..

Naalala ko pa noong bata pa ako lagi na lang nila sinasabi na hindi pa pwede sa akin ito, hindi pa pwedeng malaman ng bata ang mga bagay na ito, hindi ito pambata saka na lang pagmalaki ka na! yon ang kadalasang dahilan ng matatanda, kaya nasabi ko masarap siguro kapag nasa tamang edad ka na..Ano kaya pakiramdam kapag ang lahat ay pwede at wala ng bawal at higit sa lahat wala ng nagdidikta sayo dahil alam mo na ang tama at mali? Yon ang kadalasang tanong ko sa sarili ko noong bata pa ako..

Ngayong hindi na ako bata sa pagsakay ng jeep, hindi ibig sabihin non kapag sinabing binayad ka ng kasama mo’y iiwan mo na sya o binenta mo na sya, at alam ko na rin na hindi pwede mangyari sa totoong buhay ang magkaroon ng buhok na animo’y isang ahas, at imposibleng tumubo ang puno ng santol sa tiyan mo..Pero kahit na alam ko na ang mga bagay na ito, at hindi na ako inosente sa mga bagay na napakasimple lang naman pala intindihin, Kahit na di ka na nagmumukhang tanga sa mga bagay bagay na ito mas higit ko pa rin naunawaan na mas masarap ang buhay Noong Bata Pa Ako..



{November 20, 2007}   Hello Cyberworld!!!

HELLO to the highest level!! parang kelan lang sa tabi lng aq ng riles nag dadakdak ng walang wentang buhay ng mga kapitbahay ko at heto ako ngayon isang henyo na, at gumagamit na ng Kompyutewr, sabagay nakakapagod din magsalita ng magsalita ng 24/7 unlimited sa mga kachoKaran kong mga hindot na longkatuts walang ginawa kundi ikwento ang buhay ng kanilang mga amo..

And now I’m here na, I’ll share my experience ebridey, khit anong experience yan and ofcors to meet na rin mga cutee bloggers jan out there.. yung mga creative minds jan… haha.. kaso pa Ms. Teryoso muna ang aking drama..saka nlng if close na tayo..hehe..  yun lang..mwah mwah..



et cetera
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.