Ang Kwentista sa Tabi ng Riles











{November 26, 2007}   “TANONG NG PUSO KO”

tamang senti muna ako…gawa ko, sa unang lalakeng minahal ko ng lubos… T_T until now I hate this man..huhuhu.. di ko pa din sia mapatawad 

“TANONG NG PUSO KO”

Pag-ibig mo sa aki’y di ko mahulaan
Lugar ko sa puso mo’y di ko malaman
Ngunit isip ko’y naguguluhan
Pag-ibig ko’y lumalim at bakit mo hinayaan

Sayo ba’y sino talaga ako?
At ano naman sya sayo?
Kung mahal mo akong totoo
Lahat ng ‘toy masasagot mo

Natutuwa ako dahil ako ang pinili mo sa amin
Ngunit marahil sa kanya ay binawi mo na rin
Kaya’t sya’y bumalik dahil ’lam nyang sya’y mamahalin
At ako ay iyo lamang paaasahin

Sana’y walang halong kasinungalingan
Lahat ng salitang iyong binibitawan
Naging sinungaling man ako minsan
Ngunit ito’y dahil ako’y iyong tinuruan

Masakit sa aki’y kayo’y nagkikita
Masakit malamang di mo pa kayang mawala siya
Masakit tanggapin wala ka pang ginagawa
Ito’y marahil hindi mo pa kaya

Bakit hinayaan mong muling masaktan
Ang puso kong humilom na’t muli mong sinugatan
Bakit ang puso ko sayo’y di mo iningatan
Inalay pa man din at iyo lamang pinabayaan

Hiling ko… ako’y iyong iwan
Kung sya naman ang iyong pinangakuan
Hiling ko… ako’y iyong pabayaan
Kung ako’y iyo lamang sasaktan

Ayokong pag-ibig ko sayo’y iyong sayangin
Kung hindi mo rin lang ako mamahalin
Ayokong sarili ko sayo’y pilitin
Kung sya naman talaga ang iyong pipiliin

Kelan ko maririnig na sa kanila’y iyong sinasabi
Na ako’y minamahal mo at di mo tinatanggi
Di lamang sa akin kundi mga nasa paligid pati
Sana maranasan kong minsa’y ako’y pinagmalaki

Pero ito lang ang masasabi ko
Bukas pa rin ang pinto ng aking puso
Ngunit di naghihintay sayo sa pinto
Baka lang kasi sa pag-ibig mo’y ako’y mabigo

Sana sa pagbalik mo
Tunay na pag-ibig ang alay mo
Walang pagdududa at pagkalito
Walang sinuman nasa loob ng iyong puso

Kelan mo ipapahinga ang puso ko
Kelan mo pangingitiin ito
Kelan hihimbing ang tulog ko
Kelan masasagot ang mga TANONG NG PUSO KO



{November 26, 2007}   GITARA

Mga nagkawatak watak na barkada… alay ko sa mga barkada ko na wala na ngayon… gawa ko nung college ako T_T 

 

GITARA

Bawat tipa’y awit sa aking tenga
binabalik ang magandang ala-ala
at bawat tunog nito’y mahalaga
Na minsang sa puso’y nagpaligaya

Mga ngiti’y inyong mamasdan
Halakhak ng gitara’y mapapakinggan
Na ang lahat ay sinasang-ayunan
Sa musikang di niya pinagdadamutan

Di inaasahang kwerdas ay mapigtas
Waring lungkot na ang naipamalas
Pati larawa’y di na maibakas
Kaya’t musika’y madaling nagwakas

Gitara’y ano na ang magiging silbi
Kung musika’y di na maipamahagi
Dahil parehong puso’y nagtitimpi
Halaga ng gitara’y nalimot pati

Paano…. maibabalik ang saya
Kung walang alaala ng musika
Kailan… mapapakinggan ang kanta
Kung kuwerdas ng gitara’y napigtas na



{November 26, 2007}   NALILIGAW

Naliligaw…

Saan kaya ako tutungo, kahit ilang beses ko na syang nadaanan, at kahit kabisado ko na ang lugar,

Bakit naliligaw pa din ako?

Bakit hindi ko pa din alam kung saan ako dapat tumungo?

Bakit di ko pa din alam ang gagawin ko?

Kung ano ang landas na dapat kong tahakin?

Ang dami ng taong aking napagtanungan, kung anong landas ang dapat kong daanan bakit parang di pa din ako satisfied sa mga sagot nila.. Naliligaw na nga ako, bakit sumabay pa ang damdamin ko, kagagawan ng taong mahal ko, kung bakit ngayon naguguluhan ako..

kapag nainlove ka nga naman….

hindi mo na alam kung saan ang daan patungo upang makarecover ka sa sakit na kagagawan niya…

hindi mo na alam ang daan kung paano ka makakabalik sa kanya…

hindi mo na rin alam kung dapat ka bang sumunod sa sign na kelangan mong mag – stop, hintayin kung kelan ulit mag-go…

Ang hirap pala pag naliligaw ka, may halong takot, kaba, at lungkot na baka hindi ka na makabalik sa daan patungo sa kanya o makabalik sa dating ikaw nung wala sia..

Sana alam ko…

Sana makasalubong ko sya…

Sana sunduin niya ako pabalik sa kanya…

Kung tuluyan na akong naligaw, sino naman kaya ang taong magmamalasakit upang sabayan ako sa paglalakad patungo sa daan ng pagkalimot para naman makamove-on.. sana hindi mahaba ang daan, sana may short cut para hindi ako masyadong mainip, at wala sanang traffic na magpapaabala sa akin.. Kung sakali mang mahaba ang daan, magiging close kaya kami ng lalakeng makakasabay ko upang idaan ako sa landas ng pagkalimot… Magiging masaya kaya ako sa paglalakad namin? At habang dumadaan kaya kami sa landas na yun, unti unti ko na kaya makakalimutan ang lalakeng nanakit sa damdamin ko? Sasamahan pa kaya niya ako kung sa daan na makipot at madilim ako napadaan hanggang makita namin ang dulo at maliwanag na daan..?

Ngunit ang tanong? Sasabay kaya ako? Papayag kaya akong ihatid niya? O magsosolo akong maglalakad..

Pero hanggang ngayon, di ko pa din alam ang landas na dadaanan ko…

Kung doon ba sa road sign na nakasulat na move-on?

doon sa sign na back to him?

o doon sa sign na wait?

Hindi ko alam, naguguluhan ako..

Ang hirap magdesisyon, ngayon ko nararamdaman ang kaba, takot at lungkot…na baka wala sia sa dulo ng daang tatahakin ko..



et cetera