Ang Kwentista sa Tabi ng Riles











{November 20, 2007}   Ang kakaadik na buhay

Pers Taym ko makihalubilo sa mga kapitbahay namin, pano kasi taong bahay lang ako.. pero dito nagsimula ang pagiging chizmoza ng lola nio..

Napansin ko na si Chongge eh nagsasalita mag isa habang nakahiga sa mahabang upuan, wala nmn siang kausap, sa hinaba haba ng pakikipagchokaran ko kay Ate Muneng, hindi pa din sia tapos sa pagsasalita, dahil ako’y ipinanganak na Chismosa parang naiintriga ako kung ano ang pinagsasabi nia, nilapitan ko nga…

Chongge: Pareng chongge di pa ba tayo uuwi?
Chongge: Uuwi na rin tayo, magpatuyo ka muna, umihi ka na kaya…
Chongge: Paliguan mo ko ah.. kasi lashing na ko di ko na kaya pare..
Chongge : Taena lashing na rin ako pare eh..

Iskwatera : Taena, sarili mo pala kinakausap mo..

Si Chongge kasi ay may saltik na tlga sa utak, kaka Chongke (Marijuana)

Iskwatera : Chongge, bakit ka kasi nag chochongke ayan tuloy may saltik ka na..

Chongge: Taena masarap ang feeling..

Iskwatera: Pano mo nasabi yon, ano ba kinasarap don ah..

Chongge: Lahat ng pangarap mo natutupad dahil sa marijuana’t shabu

Iskwatera: Pano nangyari yon..

Chongge: nangangarap kasi ko noon na magkaron ng magarang sasakyan, taposh nung nagbabato ako taena, sarap ng pakiramdam, may sasakyan nga ako, nagmamaneho ako kung saan saang lugar na di ko pa napupuntahan, mamaya nga pala kelangan ko umuwi, baka maiwan ako sa flight ko, sa states pa kasi ko umuuwi eh, uwian ako pare.. ano Chongge yung bagahe ba natin eh nakahanda na..(kinausap ang sarili) oo, pare handang handa na.. (sagot nia sa sarili nia)

Iskwatera: Maya ka na uwi Chongge, gusto ko pa makipagkwentuhan sayo eh

Chongge: iba na tlga ang sikat chongge, haha, mamaya papa autograph na yan sa akin si Iskwatera..

Iskwatera: gusto ko pa kasi malaman kung anu ano pang pangarap mo na natupad jan sa marijuana na yan at pag babato mo

Chongge: nagkaron ako ng mansion, at may laptop pa ko bukod sa kompyutewr

Iskwatera: Asan na yung laptop

Chongge: Ayun binababad ko muna, kasi madumi na eh, lagi kasi ginagamit nitong si Chongge, (Parang tinuro ang ka tabi nia na wala naman tao) taposh yung Kompyutewr lagi ko ginagamit kasi may paborito kong laruin don eh, yung pokemon..haha.. hik!hik! kaso nagblack and white bigla si pokemon, siguro naubusan ng ink yung kompyutewr ko..mahal pa nmn ng ink.. tsk.. tsk…

Iskwatera: Hayz nakakasira nga ng ulo itong pakikipagusap ko sa mga may saltik.. (nasambit ko sa isipan ko)
Uhmm.. chongge ilan ba kayong magkakapatid?

Chongge: Pito, at ako ang bunso, papalaglag na nga daw sana ko ng nanay ko eh.. kaso makapit daw ako, shempre si Chongge pa, magaling ata to..!

Iskwatera: ah kaya pala nasunog na yang balat mo dahil sa gamut pati utak mo nalusaw..haha..Joke lang chongge.. Uwi ka na nga, basang basa ka na sa ihi mo, naaamoy ko na, ang panghe mo…

Si Chongge ang kapitbahay namin na lulong sa masamang bisyo, pero harmless naman sia eh kasi di nmn sia nananakit, lagi lang nia kinakausap ang sarili nia.. pag tinatanong ko sia kung ilang taon na sia, laging sagot eh katorse anyos pa lang daw sia kaso ubanin na sia noh, parang 41 na sia sa edad nia.. at walang sinabi ang lalim ng dimple ni aga muhlach sa dimple nia, tipong kahit di sia ngumiti may instant dimple sia, sa madaling salita effortless, sa sobrang lubog na ng pisngi nia, di na nia kelangang pumunta kay Vicky belo para magpalagay ng dimple..hehe



Abad says:

Haha, talagang pati may sayad pinapatulan mo ng kausapin. hi! keep on posting. may gumagamit pa pala ng “chokeran”.



iskwatera says:

haha, masaya kausap mga may saltik..matatawa ka, kapag malungkot ako, humaharap na lng ako sa mga may saltik..hehe,Joke lang.. anyway.. thanks sa comment, buwena mano ka ah, sana ok ka magbuena mano, hehe..



angel says:

awss.. pero sa totoo lang nakakaawa sila…

Ang tapang mo ah, ako takot ako makipag-usap sa kagaya nila..



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: