Ang Kwentista sa Tabi ng Riles











{November 25, 2007}   5 most embarrasing moment

Well Well well.. ang lola nio bumabalik uli para umaribaaaaaa… actually ang ikukuwento ko ngayon ang aking mga embarrassing moments, bigla ko lng naisip na un ang itopic ngaun because of my experienced this week lng, ok simulan na ang chokaran natin mga veklah…

5 MOST EMBARRASSING MOMENTS KO…

5.. Nung college ako ilang days pa lng kakastart ang klase namin, siempre paimpress ang lola nio, nagtaas ako ng kamay para sagutin ang equations na nasa blackboard, pasikat kuno dahil may cute na guy na nakita ang lola nio.. and then, pagkatapos ko sagutin ang nasa blackboard, tinawag na rin ang cute guy para sia nmn ang sumagot, so nagkasalubungan kami hanggang sa may sinesenyas ang cute guy sa kanyang lips, akala ko kung ano na, akala ko nag aask sia ng kiss. Todo kilig ang lola nio, kaso biglang nawala ang ngiti ko nung sinabi nia, Miss may chalk ka malapit sa lips mo.. parang binagsakan ako ng isang sakong chalks..

4. Naalala ko nung bata pa ako, mga 12years old ata ako nun, mag isa lang ako sa bahay non, biglang nakita ko sa panty ko may dugo, naisip ko na baka may sugat ako sa monay ko..haha… todo taranta ang lola nio, hanap ng band aid, di ako makahanap ng band aid, sige pa rin ang tulo ng dugo sa panty ko, ayaw ko nmn pumunta sa tindahan para bumili ng band aid, nakakita ako ng napkin sa CR, don ko naisip na, ahh baka ito na yung sinasabi nila na regla.. haha, ayun ginamit ko na sia, edi ang saya saya ko non, dahil meron na ko, at nakanapkin na ko, kaso pagkalipas ng maraming buwan, di ko na gusto magkaron pa ng regla..hehe…buti di ako nagpabuntis non para lang di magkaregla..haha..

3. Dahil malantud na ang lola nio bata pa lang, grade 6 ata ako nun, may crush na akong teacher, yung teacher namin sa math, sobrang type ko, siempre dumating ang valentines, edi nag isip ang lola nio kung anong gift ko sa crush kong teacher na napakagwapo kahit na may asawa na..haha.. bumili ako ng flowers and chocolates..haha, at iniwan ko sa desk nia.. then dumating ang teacher ko, natawa sia, kasi daw parang pakiramdam nia babae sia na nililigawan with matching flowers and chocolates, ayun, nagselows ako dahil ibinigay din nia sa asawa nia..hmpf!

2. Sobrang pagod ko from work.. hindi na kinaya ng lola nio ang kapaguran dulot ng maraming work sa office tulad ng friendster, blogs, yahoo emails, multiply, yahoo messenger at kung anu ano pang pinagkakaabalahan ko na ikayayaman ng kumpanya..hehe.. pauwi ako nun, nasa jeep ako ng biglang may pumara dahil bababa na ang pasahero at bigla niang hinablot ang bag ko, nawindang ang lola nio, nashocked ako bigla, yung pagod ko biglang nawala..bumaba din ako para habulin yung magnanakaw na yun, kaso nung mga oras na yun, naka 4inches yung heels ko,kaya ang sexy ko tumakbo, parang Chinese na ang liliit ng hakbang, kaya ginawa ng lola nio, hinubad ang sandals at binibtbit, at bigla akong nagtransform at naging lalake, at nagsusumigaw ng magnanakaw magnanakaw, buti nlng naawa sa akin ang mga kalalakihan, kahit nakayapak ako, marami pa rin akong nabighani para tulungan ako,haha.. ayun nabawi ko naman awa ng Dyos kaso di sia nahuli, hinagis nlng nia, takot lang nia dumugin sia..hehe

Ang huli pero ang gusto ko ng makalimutan..haha

1. papasok ako sa office, umagang umaga, at fresh na fresh pa ang lola nio, feel na feel ko ang aking bagong suot na slacks na binili ko sa baclaran pang dagdag ko sa mga damit ko pang office.. pagbaba ko sa van biglang may nagcraccckkk , tipong tunog na parang may napunit, well, ano pa nga ba agn aasahan mo sa quality na mabibili mo sa baclaran…. Yesss.. napunit ang aking slacks at ang masaklap pa don.. T-Back ang suot ng lola nio..haha.. at walang lingon lingon sa driver ng van na marahil nakita nia na ang dalawang pisngi ng aking wetpu..haha.. tinakpan ko nlng ang aking face para di nia ko makilala…hehe.. Joke, Nag hello world talaga ang aking wetpu, buti nlng malamig ang office namin, matindi kung magpa aircon, tipong hindi pwedeng wala kang dalang blazer, kaya tuloy may pangtakip na ako sa aking wetpu.. pero dahil sa bagong bago pa lang ako sa Ayala, ayun di ko alam kung san pwede bumili ng sinulid at karayom.. at wala naman ako mahagilap sa ministop at 711, at lumaki pa ng husto ang sira ng aking slacks, umuwi ako na butas ang slacks ko buti nlng may takip kahit papaano, kaso ramdam ko yung lamig kasi pumapasok ang hangin sa wetpu ko, feeling ko wala akong suot.. hayz, naka T-Back pa nmn ako.. nagdadasal ako na wag liparin ang aking blazer, at hinigpitan ko mabuti ang pagkakatali, baka biglang malaglag..anu bahh! kainiz nakakasira ng poise.. pag uwi ko sa amin, pinatahi ko sa tita ko kasi may makina sia, at ang ginamit niang sinulid ay yung pang pantaloon na, at dinoble doble nia ang tahi, siguradong di na sia masisira pa, tipong kahit langgam di makakapasok sa slacks ko..hehe.. inisip ko paano kung wala akong dalang blazer non, ano nlng kaya ang gagawin ko..hehe..paano ko tatakpan ang wetpu ko..sa tindi ng sira nia..hayz mabait pa din si Lord sa akin..hehe..



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: