Ang Kwentista sa Tabi ng Riles











{July 1, 2012}   ADIKTUZ SA FACEBOOK

Image

(matagal akong hindi nakatambay mga kakosa, sensia na dami kasing parak kaya laylo muna hihihih, eto muna ang alay ko sa aking pagbabalik, tara tagay na! ano pulutan natin dyan??)

ADIKTUZ sa fb
WRITTEN BY: iskwatera a.k.a. Cheese Mosa

magandang-magandang araw, Sa mga nagtitinda ng siopao
May lamang pusang ligaw, Gawa ng aleng mukhang palitaw
At sa mga inlab ngayong araw, Kaya taghiyawat ay umaapaw
Mantika sa mukha’y masabaw, Tyak mantika’y tulog sa aircon sa ginaw

Mga kberks sa chatroom na Adik, Mala-kwagong matang kahindik-hindik
at matindacious ang paltik, na sa kalokohan ay hitik na hitik
sa gabi’y parang tiktik, kaya hanggang sa gabi ay naghahasik
sa fanpage mata’y laging tirik, sa ligayang hatid bisyong walastik

dugo’y buhay na buhay,at sabay sabay na kumakampay
kahit eyebag na ay lumalaylay, di paawat sa pagpapasaway
Ngalay na panga’y walang humpay, sa saya tiyak napapahandusay
Sa harutan sa mga mukhang bangkay, na parang kagagaling lang sa hukay

Ang paborito namin ay magpindot-pindot at magdutdot ng magdutdot
Walang pagod kahit boss ay sutsot ng sutsot, di paaawat kahit bagong hilot
Tiyak laging pasma ang inaabot,Basta’t ang server ng facebook wag lang buburaot
Ayaw paistorbo sa mga salot, pagkat bagong libangan bukod sa mangulangot

Paalala sa lahat, wag muna mag fb hangga’t di naaalis ang sumpa
Sumpa na nasa mata, na di pa natatanggal, ang dyamanteng muta
Siguraduhing ikaw ay nakamumog, upang di mabubugbog
Ng mga barakong tiyan ay sumasabog at kumakain ng bubog

ang pagbabalik ni Cheese Mosa!! maraming ihahandog muli sa inyo kaya tara, makisinghot na!!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: